Miyerkules, Oktubre 10, 2012

Close... Sure?!?!

"Gusto ko lang makausap siya ulit para magkaroon na kami ng closure... Tapos mananahimik na ko... "

Ito ang kadalasan kong naririnig sa mga taong hiwalay na pero parang hindi pa sigurado sa estado ng ending ng love story nila. Bakit ba kailangan ng relationship closure? Bakit kailangan pag-usapan ang mga bagay na tapos na? Paano ba ito makatutulong sa isang tao? Ano ba ang kahalagahan nito at paano ito makapagpapaunlad ng ekonomiya ng Pilipinas?

Bago lumalim ang usapan, ano muna ang RELATIONSHIP CLOSURE? Ayon sa aking nakalap na impormasyon, ito ay komunikasyon na kailangan ng malalim na pang-unawa, matapat na dila at hindi mapanghusgang isipan. Nangyayari ito o sabihin na nating dapat na maganap kung ang relasyon mo sa iyong dating kasintahan (pwede ring ex-friend, ex-wife, ex-husband at kung ano-ano pang ex)  ay nagtapos ng walang linaw, yung meron kang pagtataka sa iyong puso kung paano at bakit nabalewala ang lahat.


Ngayon, kapag nakarinig tayo ng taong kailangan ng relationship closure, wag natin isipan agad ang ganito, "echos niya, umaasa lang yan na magakabalikan sila". Mali yun! Let's give them the benefit of the doubt dahil pagbali-baliktarin man natin ang mundo, marami rin naitutulong ang relationship closure.



Isang kahalagahan ng relationship closure ay magkakaroon na ng sagot ang mga katanungan mo na inipon simula pa nung araw na naghiwalay kayo. Itanong mo lahat sa kanya, pigain mo siya para malaman lahat ng gusto mong malaman. Wag ka nang magtira pa at wag ka nang mahiya pa magtanong kung bakit kayo naghiwalay, o ano bang mali sayo, o sino ba ang may mali. Dahil sa closure, masasagot niya lahat iyan, vise versa din.


Isa pang kahalagahan ng closure ay ang pagkakaroon ng improvement. Kapag napag usapan niyo ng ex-lover mo ang dahilan ng paghihiwalay niyo, malalaman mo kung saan ka nagkamali, kung ano yung mga bagay na ginawa mo na hindi niya nagustuhan. Siyempre malalaman mo rin kung anong mali sa kanya, at for the win, hindi ka na ulit maghahanap pa ng taong may utak na kasing kitid ng sa kanya. Mapapansin mo na hindi mo pala gusto na hindi ka niya naiintindahan sa mga dahilan mo, o hindi ka pala niya tanggap kung ano ka, kaya mag-iimprove ang criteria mo sa pagpili ng bagong mamahalin.


Dahil sa closure, makapaghahanda ka. Ngayong alam mo na kung anong mga dapat mong baguhin, hindi naman magiging madali ang lahat. May mga ugali na mahirap tanggalin lalo na't nakasanayan na, tulad ng pagiging possesive, o babaero, lalakero, sinungaling... mga bagay na mahirap alisin at nagiging dahilan ng hiwalayan. Kailangan ng matagal na proseso at siguraduhin na kayang baguhin, o nabago na bago magkaroon ng bagong relasyon. Mas handa, mas okay.


Nakakatulong din ang closure sa mas maluwag na paghinga at masarap na pagtulog. Habang nasa closure situation, sabihin mo na ang mga nais mong sabihin dahil iyon na ang tamang panahon. Isigaw mo sa pagmumuka niya na matapos ang paghihiwalay niyo ay nangayayat ka at nagunaw ang buong mundo mo. Ilabas mo ang poot na araw-araw mong kinikimkim at gabi-gabi mong iniiyak at ginagawang pampatulog. Sa ganoong paraan, matatanggal mo sa iyong dibdib ang lahat ng galit at gagaan ang iyong pakiramdam.


May mabubuong bagong relasyon, ang friendship. Hindi madali ito at ito ang pinakamahirap sa lahat. Sabi nga nila, madali ang friends to lovers pero ang lovers to friends, malabo raw. Ang relationship closure ay isang magandang paraan upang mabali ang kasabihang 'yan. Once na natapos na kayong magkasakitan ng salita at magkalinawan ng dahilan, matutunan niyo rin tanggapin ang lahat, wala narin naman kayong ibang choice, ngunit ang kinagandahan nito, nag-usap kayo, naging malinaw ang lahat, at marerealize niyo na sa isang relasyong nasira, hindi lang siya o ikaw ang nagkamali, kundi pareho kayo. May pareho kayong isisisi sa isa't-isa at para sa kanya-kanya niyong utak, reasonable ang kanya-kanya niyong isinusumbat.


Marami talagang naitutulong ang relationship closure ngunit hindi ito minamadali, may mga taong ayaw muna nito dahil hindi pa raw sila handang makipag-usap sa dating ka-relasyon, meron din namang taong ito nalang ang hinihintay para makapag move-on. Lagi lang natin tatandaan na kahit gaano man kasakit ang lahat kailangan natin itong mas harapin dahil sa ganoong paraan tayo mas gagaling. Masakit talaga pag ginagamot ang sugat. Pagkatapos ng isang relasyon, malalim man o mababaw, matagal man o panandalian lamang, magandang may pag-uunawaan kung bakit nangyari ang lahat dahil kahit paano mayroon din naman kayong pinagsamahan.


Kapag nais mo ng relationship closure, siguraduhin na para sa ikabubuti mo ang dahilan, hindi para mag-emo ka ulit. Sa isang closure tibay ng sikmura, kapal ng mukha, at lakas ng loob ang kailangan. Isipin mong ito ang susi sa bago at magandang umaga para sa pag bubukas muli ng iyong puso sa bagong pag-ibig. Ito ang lunas sa emosyon mong may stage 4 na cancer. Ito ang isa sa paraan upang maunawaan mo na ang mundo ay punung-puno ng pag-aaral, hindi lamang sa akademya ngunit pati sa pag-ibig. Ang relationship closure ay malaking tulong para sa pagtawid mo sa panibagong buhay pag-ibig. Hindi madali pero kakayanin mo.


Ngayon, para sa tanong na ano ang maitutulong ng relationship closure sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa... Wait lang, iisipin ko pa.



kimiefynelah








Martes, Oktubre 9, 2012

Hello Finals, Hello Cramming


Thesis, Thesis Defense, Terminal Projects, Oral Reports at Written Reports... Kung ang iba hindi makakain at makatulog dahil sa pag-ibig at bigong pag-ibig, ako naman yan, yan ang mga dahilan kung bakit ang eye bags ko ay pwede nang maging maleta. Sobrang hindi ko talaga malilimutan ang delubyong dala ng 1st sem sakin. Unang beses ko lang ito nadama, siguro dahil 4th year na ko kaya ganoon na kahirap. Kahit papano, marami rin naman akong nakakatawang napagtanto.


NGANGA
Ito ang una kong napagtanto na hindi ko lubos mawari kung bakit ba? Bakit ba kahit marami akong gagawin ay tutulala muna ko ng mahabang mahaba, tsaka ako hihinga ng malalim at maiisip ko na marami pala kong gagawin? Hindi ba't nakakapagtaka? Hindi lang siguro maiproseso ng utak ko ng maayos kung kaya kong gawin lahat ng dapat kong gawin sa maikling panahon.


PROCRASTINATION
Ano muna ang procrastination? Ayon sa Wikipedia, ito ang paguuna ng mga bagay na hindi naman mahalaga kaysa sa mga bagay na mas mahalaga. Ito na nga, inuuna ko pa ang mga bagay-bagay na wala namang saysay kesa sa mga bagay na dapat ko nang gawin. Sa tuwing gagawin ko na ang mga projects ko, parang may masamang hangin na itutulak akong maglibang-libang.

ADRENALINE RUSH
Dahil nga mas marami akong tunganga at procrastination, dadating na ngayon ang salitang hussle, at pag hussle na, biglang gagana ang adrenaline rush, yung tipong bukas na ipapasa, tsaka mo lang gagawin, pero magagawa at matatapos mo na parang dinaanan ka lang ng hangin. Tila ba isang super hero na biglang darating sa oras ng pangangailangan ang adrenaline rush na ito. 

PPP
PPP means pera pera padin. Kailangan sa ganitong klaseng bakbakan, marami kang pera, kahit gaano ka pa kabilis, kahit meron ka nang plano, kung wala kang pera, wala kang magagawa. Print dito, rent doon, bayad dito, singil doon. Pag-alis mo ng bahay, dapat mong siguraduhin na sobra-sobra sa baon mo ang dala mong pera, kung hindi, mangungulelat ka talaga.

KONTRABIDA SA PELIKULA
Sa mga oras na tadtad ka ng gagawin, kailangan mo ng maraming oras, hirap ka sa mga bagay-bagay, biglang may lalabas na ganyang prof, yung tipong mangingibabaw yung subject niya sa lahat-lahat dahil matapos mong pagpuyatan yung mga pinapagawa niya, kukutyain niya ito ng walang pag-aalinlangan. Yung tipong tadtad ka na nga ng gagawin, may idadagdag pa siya. Minsan meron pang mahuhuli, nagsasaya na kayo, bigla niyang ipapasok yung requirements niya.

HULOG NG LANGIT
Naisip kong sa kabila ng kontrabidang prof, meron paring lubos na iintindi. Yung tipong ieextend niya ang pasahan na halos gagawa nalang siya ng grade hihintayin ka parin niya. Hindi ko nga alam kung saan niya kinukuha yung pasensya niyang iyon. Walang halong pag-iimbot yung pagbibigay niya.

THE BIGGER THE BETTER
Kung sinong may pinakamalaking eye bag, siya ang may palong-palong project, siya ang panalo.

I MADE IT THROUGH THE RAIN
Matapos ang pangangamba, ito ang the best, matatapos mo ang lahat at bigla mong maiisip na kaya mo pala. Nung una, naiiyak ka pa, tila ba ayaw mo nang ituloy ang pag-aaral, bigla ka nalang magigising, tapos na ang delubyo, sabi nga ng South borders, "there's a rainbow always after the rain..." Hindi mo na mamamalayan ang lahat, pwera nalang siguro kung puro tunganga lang ang ginawa mo at hindi ka niligtas ng adrenaline rush mo. Hindi mo nga mamamalayan, hindi mo mamamalayang hindi ka gagraduate.


kimiefynelah




Great Pretender

I love you is what have you always said
I hear, but I can't feel it anymore
Words of sweetness but dangerous and dead
You said that it's only me you adore

In just a click you can make some magic
From demon seems like there's an angel's face
You can tell something good and romantic
You're just wasting your time, I'm not amazed

Your phrases are like chants that hypnotize
It's not working, the potion has expired
I know what is real, I now realize
Your serious sorrys can't make me inspired

Oh my love, I know you're pretending
I'm sorry but the pain is not mending


This is the sonnet I made two years ago. Actually it's a project for a portfolio for Campus Journalism subject. I like this poem of mine because it's full of bitterness even though I didn't feel that kind of emotion that time. 


kimiefynelah

Over...

Minsan, sa aking paghahalungkat ng gamit, may nakita akong interisadong bagay. Hindi ko naman sadya, ngunit ako'y napangiti (parang baliw). Muli ko nanaman kaseng nakita ang isang kwadernong matagal ko nang itinago at di ko na napaginteresaduhang buklatin pa. Ito'y makapal na libreta, kulay asul at may magandang disenyo. Ito ang aking aklat-sulatan tatlong taon na ang nakalilipas. Hindi naman ito ordinaryong kwaderno, hindi ito basta sulatan lamang ng pangalan ko sa iba't-ibang istilo, computation ng iba't-ibang formula sa Mathematics, kopyahan ng lesson sa araw-araw o kaya'y props para sabihing may notebook ako at masipag ako mag-aral. Ito ay isang aklat-talaan ng aking nakaraan, ng aking emosyon, ng aking damdamin. Ito ang kwadernong naging sandalan ko noong ako ay walang makausap, naging takbuhan ko kapag nais nang tumulo ng aking luha.


Muli kong binuklat ang kwadernong matagal ko nang winalang-bahala, isa-isa kong binuksan muli ang bawat pahina. Nais ko lamang tignan kung gaano ba talaga koh ka-"emo" noong mga panahong iyon at ito ang isa sa mga humila ng aking atensyon:

March 09, 2009

Its Not Over

Its been 8 months and 23 days since my ex-boyfriend and I broke up, I experienced severe pain and acute sadness, I passed through a long process of recovery- crying, reminiscing, letting go. I thought the process was already done but that conclusion is a very big mistake... I'm not yet over with that tragic love story.

I always say that "I'm fine", "I moved on already", "I don't love him anymore", just to make myself believe that everything is okay now, but I can't understand how... how can I pretend like this? It doesn't help me or doesn't make me feel better either. I tried to become more sociable because maybe, having more friends can help... but I was wrong!!! It didn't ease the pain.

I don't know the reason why these emotions are still hanging in my mind. I want to talk to him, I want him to be my friend, but every time I see him, my knees are shaking and my heart is aching. It seems like someone is crumpling it like a dirty scratch paper thrown in a trash can because of the unsatisfied thoughts of the writer, I'm a scratch paper who once thought that everything is final, there is nothing to be changed nor replaced but didn't notice that the author would eventually change his mind, erasure and mistakes happened, and so, the clean paper turned into scratch, shattered into many small pieces and thrown away, far away, from the writer of my love story. I thought that somebody can easily fixed it, but I was wrong, because I noticed that there is still a missing part, a very important part that was left from my destroyer.. my HOPE of being loved back again. I can't hardly believe it, my nightmare is not over.


Every time I hear any goodbye songs, his face with our memories are entering my mind. Actually, when I remember him, just him without the memories, I always question myself why did I fall inlove with him? How can a good for nothing person catches my heart? He is nothing compared to my other ex-boyfriends, but when memories are already haunting me, I realized that he's still the reason why i'm broken inside.



Sometimes, I want to have some fun, make some frivolous relationships just to deprive myself from stupidity that captures not only my brain, but also my heart and my life. I want to try, but how? I'm still vulnerable... I can't because it's not worth it, and it can only increase the unhealed wounds. It will not satisfy me. 



I know, I'm still in grief, I don't love him anymore... Yes... Indeed... but I can't move on from that tragic break up, leaving me in the middle of our anniversary. I still don't know how crazy he was that time when he did that. Grudge?!?! I already planned it, but I can't, maybe God doesn't want me to make another mistake, that maybe the reason why I can't find a way to hurt him back.



Yes, maybe sad, but I'm not weak. I'm stronger than before. I still believe that everything happens for some good reasons. Perhaps someday I'll be okay and this shattered scratch paper that was once a trash can be, and will be somebody's treasure.


FYNELAH


Ganyan katindi ang pagkabigo ko sa pag-ibig noon, yung tipong akala ko lahat na ng love songs sa kanya ko na nadedicate at wala na natitira pa para sa ibang lalake, pero sabi ko nga sa bandang dulo, "everything happens for some good reasons". Sabi nga nila, binibigay daw ng Diyos satin ang isang tao sa magandang dahilan at inaalis sa mas magandang dahilan. Totoo naman talaga.

Kaya para sa lahat ng bigo sa pag-ibig at mabibigo pa lang, wag kayo matakot na damahin ang salitang "move on". Hindi naman siguro nabuo ang salitang iyan kung wala lang diba. Makakaraos din, tiwala lang.




kimiefynelah

Lunes, Setyembre 17, 2012

Juan 3:16

Mahilig ka bang magbasa ng Bibliya? Ako kase, hindi naman. Ngunit dati... OO. Alam kong nakakagulat, at iilan lang sa mundong ito nag mahilig magbasa ng sagradong aklat na ito, pero iba ang naitutulong nito sa mga tao, tila ba araw-araw ay daig mo pa ang nanalo sa loto, bukod sa nakakagaan na ng pakiramdam ay nakakalutas pa ng mga problema. Siguro'y nagtaka kayo kung bakit "dati" lang. Sabihin nalang natin na isa kong Kristiyanong matigas ang ulo. Well anyways, kahit na nagbago ako, nais ko lamang ibahagi ang paborito kong Bible verse na kahit kailan ay hinding hindi ko malilimutan. Isa itong pangako, pangakong mula sa Panginoon, ang pangakong alam kong kailan man ay hinding-hindi mababali at sa kabila ng lahat ng nangyari sa aking buhay, naniniwala parin akong hinding-hindi Niya ako pababayaan. Hindi pa naman huli ang lahat para humingi ng kapatawaran.


“Sapagkat gayon na lamang ang pagsinta ng Diyos sa sanglibutan, na ibinigay Niya ang Kanyang Bugtong na Anak, upang ang sinomang sa Kanya’y sumampalataya ay huwag mapahamak, kundi magkaroon ng buhay na walang hanggan”. Juan 3:16


Isang  napakagandang mensahe mula sa bibliya kung saan isinakripisyo ng Panginoon ang Kanyang Anak dahil lamang sa pagmamahal Niya sa atin. Hindi Niya ginawa ito upang ipamukha sa buong mundo ang ating mga kasalanan, ginawa ito ng Panginoon upang magkaroon pa tayo ng pagkakataon na magbago at makapiling Siya sa kabilang buhay.Pinababa mula sa langit si Hesu Kristo, upang iligtas ang mundo sa pagkakalunod nito sa kasalanan. Ibinigay Niya ang Kanyang nagiisang Anak, sapagkat ayaw Niyang magdusa tayo at masira.


Ang pagtanggap kay Hesu Kristo bilang sariling tagapagligtas ay ang nag-iisang paraan upang makamit natin ang buhay na walang hanggan. Paano kaya kung hindi natin kilalanin ito? Dun na pumapasaok ang kamatayan. Lahat tayo ay mamamatay ngunit ang ating espirito ay hihiwalay sa ating katawan. Kung ito ay sa langit mapupunta, buhay na walang hanggan ang ating mararanasan kapiling ang Maykapal, ngunit kung sa impyerno, walang hanggang kamatayan ang sasalubong sa atin. Ang ating kaluluwa ay masusunog sa nagbabagang apoy, hirap at sakit lamang ang ating madarama, walang pahinga ang bawat pagod at walang paghilom ang bawat sugat. Huli na ang lahat upang magsisi.

Bilang tao, na Kanyang iniligtas kailangan natin magpakabuti dito sa lupa. Maging maka-Diyos at kalimutan ang kasamaan na dala ng pagbabago ng mundo. Umiwas tayo sa mga taong ayaw maniwala sa Kanya. Gamitin natin ang ating dila sa pagsasabi lamang ng magagandang salita sapagkat ayon din sa bibliya, ang dila ay tunay na nakalalason kung gagamitin sa kasamaan. Maging mapagmahal sa kapwa sapagkat sa pamamagitan nito, naipapakita rin ang pagmamahal natin sa Diyos. Maging makatarungan at matapat. Huwag natin isipin na ang problema ay problema, ilagay natin sa ating isipan na ito ay biyaya at dapat tayong magalak sapagkat mahal tayo ng Panginoon at gusto Niyang tayo ay mas mahubog pa ng mas naaayon sa Kanya. Ang lahat ng ating kasiyahan at tagumapay ay ialay natin sa Kanya. 

Paano nga ba tayo maliligtas at paano nga ba natin makakapiling ang Diyos? Simple lang naman, pagsisishan natin ang ating mga kasalanan, manampalataya sa Kanya at tanggapin sa ating sarili na walang ibang magliligtas sa atin kundi si Hesu Kristo. Huwag natin kalimutan ang araw ng Linggo, pumunta tayo sa simbahan upang sa Kanya’y sumamba. Pag-aralan ang Kanyang salita at isabuhay ito. Ibahagi ang ating mga nalalaman at tumulong sa pagpapalago ng Kristyanismo sa buong mundo. Ang Diyos ang daan, ang katotohanan at ang buhay, mabuhay tayo ng may pananampalataya.


 


kimiefynelah



Sa Likod ng Mga Pahina

Ako? Sino nga ba ako? Sino nga ba ang babae sa likod ng blog page na ito?


Umpisahan natin sa aking kakaibang pangalan. My real name is KIMIE FYNELAH. Hindi yan pang jejemon at hindi ko yan gawa gawa, yan talaga ang pangalan na binigay sa akin ng aking mga magulang, kung bakit, ay hindi ko sigurado. According to my mother, ang KIMIE raw ay galing sa kanyang ultimate crush nung kadalagahan niya na si Keempee de Leon, ngunit hindi ko lubos mawari kung paano naging KIMIE ang Keempee? Pwede namang Keempee nalang din, at sa pitong mga letra na nakapaloob sa pangalang Keempee bakit K, M, at isang E lamang ang kinuha niya at tinanggal niya ang  titik P. Kung gusto niya talaga nito, bakit hindi nalang KEEMEE, mas malapit pa. Bakit hindi nalang M ang tinanggal niya upang maging KEEPEE o KIPIE? Sa bagay, di nga naman maganda pakinggan. Sa FYNELAH naman, ayon din sa aking ina, galing raw iyon sa matalik niyang kaibigan na hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon. Ang pangalan ng kanyang long lost friend ay Pamela, at tulad din sa KIMIE, hindi koh lubos mapagtanto kung paano naging FYNELAH ang Pamela, pwede naman na pareho nalang, bakit naging F pa tapos nilagyan ng Y at meron pang H. Kaloka talaga!!! Dahil sa aking taglay na kakaibang pangalan, maraming mga guro at iba pang mga tao na bumibigkas ng mali rito, iilan lang ang nakakatama, at para sakin, matatalino ang mga taong iyon (kakaiba na justification ng matalino). Sabi pa nga nung iba, buti raw ay hindi ako nahirapan isulat ang pangalan ko nung bata pa raw ako, ano bang malay ko?!?! hehe.. Sa kabila mga maling bigkas at makukulit na taong puro tanong kung saan nakuha ang aking pangalan, meron din naman itong magagandang naidudulot, maraming natutuwa, maraming gusto ipangalan din nila ito sa mga anak nila at agaw atensyon ito sa klase. Kapag kumuha rin daw ako ng NBI ay madaling maiisaayos sapagkat ako lang ang may ganitong pangalan. Salamat sa aking ina at sa maimahinasyon niyang pag-iisip dahil nagkaron ako ng napagandang pangalan.KIMI FINELA.. ganyan lang naman kasimple ang pagbigkas nito at hindi KIMI FAYNELA (okay).


Lumaki ako sa piling ng aking mga magulang, no choice sila kung hindi palakihin ako. Hindi naman ako makulit na bata, at hindi rin ako salbahe (mind you guys). Napakamahiyain ko raw (raw). Bata pa lamang ako ay mahilig na akong kumanta, kaya't nung ako ay nasa elementarya na ay naging panlaban ako ng aking eskwela  sa larangan ng pag-awit (thanks to Ma'am Reyes, my grade 2 teacher, the one who inspired me to release the talent that I have and also to my dad na naging trainer ko all the way). Lagi rin akong nasa top ten ng aming klase at nagtapos ako na nasa ikalimang karangalang banggit (not to brag okay). Hindi naman siguro dahil sa matalino ko kaya ganun, magaling lang talagang mag-alaga ang aking ina. Siya ang gumgawa ng aking mga projects (mamahaling projects, salamat sa pera ni ama.. haha), pati assignments ko, pero ako yung nagsusulat syempre, puro ideas nga lang niya. Wala ring awat ang pagrereview niya samin ng kapatid ko, yung tipong kulang nalang siya yung mag-aral. Kaya't utang ko sa kanya ang magandang pundasyon sa elementarya, utang ko sa kanila ni papa ang lahat.

The Parents
Mayroon akong dalawang nakababatang kapatid, lahat kami ay puro babae, at matagal na naming pinagdarasal na magkaroon ng kapatid na lalake subalit mailap talaga ang tadhana para sa lalaking kapatid kaya wala narin kaming nagawa, at isa pa, ayaw na ng aming mga magulang na magkaroon pa ng anak, sabi nga ni mama "parang nagtampo na kami sa bigas kung mag-aanak pa kami". Kahit sila ay may mga kakaiba ring pangalan, ang sumunod sa akin ay si KAIZEN JHONMARIE at ang bunso ay si KYIEV EZRAH. Kung saan man ito nanggaling ay hindi ko na ikekwento pa dahil mahabang istorya. Madalas kaming nagaaway, pero syempre, pag may dalawang nag-away, paunahan nalang kumuha sa natirang isa upang maging kakampi. Hindi kami nawalan ng bangayan, ngunit maya-maya ay magbabati rin, maguusap at magtatawanan. Ganoon lang talaga siguro, pero alam ko naman na mahal namin ang isa't-isa at pagdating ng panahon ay kami rin ang magtutulong-tulungan.



Dumako naman tayo sa aking highschool life. simula nung ako ay nag highschool, mayroon nang trabaho si mama, kaya ako nalang ang bahala sa sarili ko, sa lahat. Ang mga dating hindi ko ginagawa ay unti-unti kong natututunang gawin. Naging maayos naman ang unang taon ko, naging 2nd honor pa nga ako. Matapos ang unang taon, natuto narin ako ng mga gawaing pang highschool, ang magcutting classes. Iyon na nga, nawala ako sa topten. Ayos lang naman 'yon, ang mahalaga ay na-enjoy ko ang highschool life, marami akong naging kaibigan at marami akong natutunan. Doon ko naranasang matuto sa aking sarili, uminom, umibig, mabigo, maging tunay na kaibigan at pasaway na anak.


Noong matapos ko ang HS, nagtuloy ako sa kolehiyo. Ako ay naging estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ngunit huminto muna ko ng pansamantala upang magtrabaho. Hindi kase naging maganda ang sitwasyon ng aming pamilya, ngunit paglipas ng isang taon, OLA.. estudyante na ulit ako. bumalik ako ng PLM at ako ay nasa ikaapat na taon na ng kursong edukasyon. Migiging isang guro ako.. malapit na. Kaya nga gusto ko matutong magblog, sapagkat naniniwala ako na ang mga matututunan at maiuunlad ko rito ay magagamit ko rin sa pgtuturo. Bilang paghahanda, isa akong Online English Teacher ng mga Japanese, syempre para rin may sarili akong pera. Magiging anong klaseng teacher kaya ako?


good teacher

bad teacher

Lovelife? meron din ako niyan, 2 years and still counting.. Masaya ang buhay pag-ibig ko dahil mabait ang lalaking napunta sakin. Hindi naman kami nawawalan ng problema ngunit ang mahalaga naman ay naisasaayos namin ang lahat at may natututunan kami sa aming pagkakamali.

Si Lovelife
Bago ko tapusin ang blog na ito, nais ko munang ipakilala ang aking buhay at kayamanan. Binigay ng Diyos noong ako ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo. Isang regalong hinding hindi ko matatanggihan.. ang aking ANAK.. Oo meron na akong anak, bunga ng aming pag-ibig ng aking ex-boyfriend, na ngayon ay asawa ko na (although hindi pa kami kasal, so.. technically speaking bf at gf parin). Masarap maging isang ina, lalo na kapag nasusubaybayan ko ang milestones niya. Marami ring nagbago sa aking ugali simula nung dumating siya. Pinangalanan namin siyang FRISCIAN MARI KERUBIEL. FRISCIAN, na pangalan ng isang warrior at KERUBIEL na pangalan ng isang anghel, yung MARI, galing 'yon sa aking ina (alam niyo naman ang mga lola). 

Si Baby

AKO bilang isang anak, kapatid, estudyante, girlfriend, empleyado at ina. 'Yan ang aking buhay, na para sa akin ay punong-puno ng kulay. Ayos ba?



kimiefynelah

Linggo, Setyembre 16, 2012

1st Timer..

1st timer.. Yup.. I'm just a first timer. This is  not actually my first time to blog but this is the very first time that I begin to have an interest in blogging, I mean, yung tipong this is it! Kakaririn ko na toh! Actually, wala naman talaga kong talent sa pagsulat, hindi rin ako madaling makahanap ng topic na magiging catchy sa readers. HIRAP KAYA! pero gustong gusto ko ang nagsusulat, lalo na pag super saya ko, o kaya super lungkot, lahat ng dahilan ng super emotions ko gusto ko isulat, pero ayoko mag blog. Eh ano nga naman ang mapapala ng mga tao kung mababasa nila ang blog ko? Wala namang bago, hindi rin sila yayaman. Hahaha.. siguro dahil nga hindi ko naman talent toh kaya ayoko magblog. Mas okay pa sakin na isulat sa isang notebook at basahin 'yon ng paulit-ulit.



Bakit nga ba bigla kong naisip na maging isang blogger?!? Naisip ko lang.. kesa naman maglaro ako ng kung ano-anong aps sa facebook, eh mas maganda yatang magblog nalang ako. Isa pa, natuwa ako sa isang friend ko na classmate ko nung elementary, ang ganda kase ng mga ginagawa niyang blogs, at kahit na hindi ako makarelate, ang sarap basahin ng mga gawa niya, baka sakaling may mga tao din na magka interes sa blog ko. hahaha.. kahit walang kwenta yung mga nakalagay at puro tungkol lang sakin. Isa pa, this is very challenging, lalo na sa propesyon na tatahakin ko, na tsaka ko na isisiwalat, sa ikalawang blog ko na. HEHE..


Baguhan palang ako sa larangan na ito, so bear with me please. Mahirap maging 1st timer, kahit saang bagay o gawain pa yan. I have lots of things to consider. For now, I will explore first, alam kong marami akong matututunan, dahil marami pa kong dapat malaman. Maybe someday soon I can already write blogs that can be very famous. HOPEFULLY. 

kimiefynelah