Ako? Sino nga ba ako? Sino nga ba ang babae sa likod ng blog page na ito?
Umpisahan natin sa aking kakaibang pangalan. My real name is KIMIE FYNELAH. Hindi yan pang jejemon at hindi ko yan gawa gawa, yan talaga ang pangalan na binigay sa akin ng aking mga magulang, kung bakit, ay hindi ko sigurado. According to my mother, ang KIMIE raw ay galing sa kanyang ultimate crush nung kadalagahan niya na si Keempee de Leon, ngunit hindi ko lubos mawari kung paano naging KIMIE ang Keempee? Pwede namang Keempee nalang din, at sa pitong mga letra na nakapaloob sa pangalang Keempee bakit K, M, at isang E lamang ang kinuha niya at tinanggal niya ang titik P. Kung gusto niya talaga nito, bakit hindi nalang KEEMEE, mas malapit pa. Bakit hindi nalang M ang tinanggal niya upang maging KEEPEE o KIPIE? Sa bagay, di nga naman maganda pakinggan. Sa FYNELAH naman, ayon din sa aking ina, galing raw iyon sa matalik niyang kaibigan na hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon. Ang pangalan ng kanyang long lost friend ay Pamela, at tulad din sa KIMIE, hindi koh lubos mapagtanto kung paano naging FYNELAH ang Pamela, pwede naman na pareho nalang, bakit naging F pa tapos nilagyan ng Y at meron pang H. Kaloka talaga!!! Dahil sa aking taglay na kakaibang pangalan, maraming mga guro at iba pang mga tao na bumibigkas ng mali rito, iilan lang ang nakakatama, at para sakin, matatalino ang mga taong iyon (kakaiba na justification ng matalino). Sabi pa nga nung iba, buti raw ay hindi ako nahirapan isulat ang pangalan ko nung bata pa raw ako, ano bang malay ko?!?! hehe.. Sa kabila mga maling bigkas at makukulit na taong puro tanong kung saan nakuha ang aking pangalan, meron din naman itong magagandang naidudulot, maraming natutuwa, maraming gusto ipangalan din nila ito sa mga anak nila at agaw atensyon ito sa klase. Kapag kumuha rin daw ako ng NBI ay madaling maiisaayos sapagkat ako lang ang may ganitong pangalan. Salamat sa aking ina at sa maimahinasyon niyang pag-iisip dahil nagkaron ako ng napagandang pangalan.KIMI FINELA.. ganyan lang naman kasimple ang pagbigkas nito at hindi KIMI FAYNELA (okay).
Lumaki ako sa piling ng aking mga magulang, no choice sila kung hindi palakihin ako. Hindi naman ako makulit na bata, at hindi rin ako salbahe (mind you guys). Napakamahiyain ko raw (raw). Bata pa lamang ako ay mahilig na akong kumanta, kaya't nung ako ay nasa elementarya na ay naging panlaban ako ng aking eskwela sa larangan ng pag-awit (thanks to Ma'am Reyes, my grade 2 teacher, the one who inspired me to release the talent that I have and also to my dad na naging trainer ko all the way). Lagi rin akong nasa top ten ng aming klase at nagtapos ako na nasa ikalimang karangalang banggit (not to brag okay). Hindi naman siguro dahil sa matalino ko kaya ganun, magaling lang talagang mag-alaga ang aking ina. Siya ang gumgawa ng aking mga projects (mamahaling projects, salamat sa pera ni ama.. haha), pati assignments ko, pero ako yung nagsusulat syempre, puro ideas nga lang niya. Wala ring awat ang pagrereview niya samin ng kapatid ko, yung tipong kulang nalang siya yung mag-aral. Kaya't utang ko sa kanya ang magandang pundasyon sa elementarya, utang ko sa kanila ni papa ang lahat.
The Parents |
Mayroon akong dalawang nakababatang kapatid, lahat kami ay puro babae, at matagal na naming pinagdarasal na magkaroon ng kapatid na lalake subalit mailap talaga ang tadhana para sa lalaking kapatid kaya wala narin kaming nagawa, at isa pa, ayaw na ng aming mga magulang na magkaroon pa ng anak, sabi nga ni mama "parang nagtampo na kami sa bigas kung mag-aanak pa kami". Kahit sila ay may mga kakaiba ring pangalan, ang sumunod sa akin ay si KAIZEN JHONMARIE at ang bunso ay si KYIEV EZRAH. Kung saan man ito nanggaling ay hindi ko na ikekwento pa dahil mahabang istorya. Madalas kaming nagaaway, pero syempre, pag may dalawang nag-away, paunahan nalang kumuha sa natirang isa upang maging kakampi. Hindi kami nawalan ng bangayan, ngunit maya-maya ay magbabati rin, maguusap at magtatawanan. Ganoon lang talaga siguro, pero alam ko naman na mahal namin ang isa't-isa at pagdating ng panahon ay kami rin ang magtutulong-tulungan.
Dumako naman tayo sa aking highschool life. simula nung ako ay nag highschool, mayroon nang trabaho si mama, kaya ako nalang ang bahala sa sarili ko, sa lahat. Ang mga dating hindi ko ginagawa ay unti-unti kong natututunang gawin. Naging maayos naman ang unang taon ko, naging 2nd honor pa nga ako. Matapos ang unang taon, natuto narin ako ng mga gawaing pang highschool, ang magcutting classes. Iyon na nga, nawala ako sa topten. Ayos lang naman 'yon, ang mahalaga ay na-enjoy ko ang highschool life, marami akong naging kaibigan at marami akong natutunan. Doon ko naranasang matuto sa aking sarili, uminom, umibig, mabigo, maging tunay na kaibigan at pasaway na anak.
Noong matapos ko ang HS, nagtuloy ako sa kolehiyo. Ako ay naging estudyante ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ngunit huminto muna ko ng pansamantala upang magtrabaho. Hindi kase naging maganda ang sitwasyon ng aming pamilya, ngunit paglipas ng isang taon, OLA.. estudyante na ulit ako. bumalik ako ng PLM at ako ay nasa ikaapat na taon na ng kursong edukasyon. Migiging isang guro ako.. malapit na. Kaya nga gusto ko matutong magblog, sapagkat naniniwala ako na ang mga matututunan at maiuunlad ko rito ay magagamit ko rin sa pgtuturo. Bilang paghahanda, isa akong Online English Teacher ng mga Japanese, syempre para rin may sarili akong pera. Magiging anong klaseng teacher kaya ako?
good teacher |
Lovelife? meron din ako niyan, 2 years and still counting.. Masaya ang buhay pag-ibig ko dahil mabait ang lalaking napunta sakin. Hindi naman kami nawawalan ng problema ngunit ang mahalaga naman ay naisasaayos namin ang lahat at may natututunan kami sa aming pagkakamali.
Si Lovelife |
Bago ko tapusin ang blog na ito, nais ko munang ipakilala ang aking buhay at kayamanan. Binigay ng Diyos noong ako ay nasa ikalawang taon ng kolehiyo. Isang regalong hinding hindi ko matatanggihan.. ang aking ANAK.. Oo meron na akong anak, bunga ng aming pag-ibig ng aking ex-boyfriend, na ngayon ay asawa ko na (although hindi pa kami kasal, so.. technically speaking bf at gf parin). Masarap maging isang ina, lalo na kapag nasusubaybayan ko ang milestones niya. Marami ring nagbago sa aking ugali simula nung dumating siya. Pinangalanan namin siyang FRISCIAN MARI KERUBIEL. FRISCIAN, na pangalan ng isang warrior at KERUBIEL na pangalan ng isang anghel, yung MARI, galing 'yon sa aking ina (alam niyo naman ang mga lola).
Si Baby |
AKO bilang isang anak, kapatid, estudyante, girlfriend, empleyado at ina. 'Yan ang aking buhay, na para sa akin ay punong-puno ng kulay. Ayos ba?
kimiefynelah
0 (mga) komento:
Mag-post ng isang Komento