Martes, Oktubre 9, 2012

Hello Finals, Hello Cramming


Thesis, Thesis Defense, Terminal Projects, Oral Reports at Written Reports... Kung ang iba hindi makakain at makatulog dahil sa pag-ibig at bigong pag-ibig, ako naman yan, yan ang mga dahilan kung bakit ang eye bags ko ay pwede nang maging maleta. Sobrang hindi ko talaga malilimutan ang delubyong dala ng 1st sem sakin. Unang beses ko lang ito nadama, siguro dahil 4th year na ko kaya ganoon na kahirap. Kahit papano, marami rin naman akong nakakatawang napagtanto.


NGANGA
Ito ang una kong napagtanto na hindi ko lubos mawari kung bakit ba? Bakit ba kahit marami akong gagawin ay tutulala muna ko ng mahabang mahaba, tsaka ako hihinga ng malalim at maiisip ko na marami pala kong gagawin? Hindi ba't nakakapagtaka? Hindi lang siguro maiproseso ng utak ko ng maayos kung kaya kong gawin lahat ng dapat kong gawin sa maikling panahon.


PROCRASTINATION
Ano muna ang procrastination? Ayon sa Wikipedia, ito ang paguuna ng mga bagay na hindi naman mahalaga kaysa sa mga bagay na mas mahalaga. Ito na nga, inuuna ko pa ang mga bagay-bagay na wala namang saysay kesa sa mga bagay na dapat ko nang gawin. Sa tuwing gagawin ko na ang mga projects ko, parang may masamang hangin na itutulak akong maglibang-libang.

ADRENALINE RUSH
Dahil nga mas marami akong tunganga at procrastination, dadating na ngayon ang salitang hussle, at pag hussle na, biglang gagana ang adrenaline rush, yung tipong bukas na ipapasa, tsaka mo lang gagawin, pero magagawa at matatapos mo na parang dinaanan ka lang ng hangin. Tila ba isang super hero na biglang darating sa oras ng pangangailangan ang adrenaline rush na ito. 

PPP
PPP means pera pera padin. Kailangan sa ganitong klaseng bakbakan, marami kang pera, kahit gaano ka pa kabilis, kahit meron ka nang plano, kung wala kang pera, wala kang magagawa. Print dito, rent doon, bayad dito, singil doon. Pag-alis mo ng bahay, dapat mong siguraduhin na sobra-sobra sa baon mo ang dala mong pera, kung hindi, mangungulelat ka talaga.

KONTRABIDA SA PELIKULA
Sa mga oras na tadtad ka ng gagawin, kailangan mo ng maraming oras, hirap ka sa mga bagay-bagay, biglang may lalabas na ganyang prof, yung tipong mangingibabaw yung subject niya sa lahat-lahat dahil matapos mong pagpuyatan yung mga pinapagawa niya, kukutyain niya ito ng walang pag-aalinlangan. Yung tipong tadtad ka na nga ng gagawin, may idadagdag pa siya. Minsan meron pang mahuhuli, nagsasaya na kayo, bigla niyang ipapasok yung requirements niya.

HULOG NG LANGIT
Naisip kong sa kabila ng kontrabidang prof, meron paring lubos na iintindi. Yung tipong ieextend niya ang pasahan na halos gagawa nalang siya ng grade hihintayin ka parin niya. Hindi ko nga alam kung saan niya kinukuha yung pasensya niyang iyon. Walang halong pag-iimbot yung pagbibigay niya.

THE BIGGER THE BETTER
Kung sinong may pinakamalaking eye bag, siya ang may palong-palong project, siya ang panalo.

I MADE IT THROUGH THE RAIN
Matapos ang pangangamba, ito ang the best, matatapos mo ang lahat at bigla mong maiisip na kaya mo pala. Nung una, naiiyak ka pa, tila ba ayaw mo nang ituloy ang pag-aaral, bigla ka nalang magigising, tapos na ang delubyo, sabi nga ng South borders, "there's a rainbow always after the rain..." Hindi mo na mamamalayan ang lahat, pwera nalang siguro kung puro tunganga lang ang ginawa mo at hindi ka niligtas ng adrenaline rush mo. Hindi mo nga mamamalayan, hindi mo mamamalayang hindi ka gagraduate.


kimiefynelah




0 (mga) komento:

Mag-post ng isang Komento